September 19, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?
Photo courtesy: Celebrity Random Updates (FB)

Usap-usapan ang tila pagsilip daw ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo sa online selling ng kaniyang inang si Angelica Yulo, na naispatan ng mga netizen.

Ayon sa Facebook page na "Celebrity Random Updates," sa kalagitnaan ng pagbebenta ng damit ni Mommy Angelica ay napansin ng mga netizen na lumitaw ang verified Facebook account ni Caloy na "Carlos Edriel Yulo."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nami-miss kaya niya ang kanyang pamilya kaya siya sumilip sa live selling ng kanyang ina?"

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

"Mas mabuti mgkaayos na sila kay pinagpipipyestahan na sila ng mga marites inaabangan lagi kung ano malabas na isyu sa pamilya nila"

"In God’s time. Maging okay sila. Family is love. Family is forever."

"Deep inside masakit sa isang anak na hindi kasama ang magulang sa oras ng tagumpay nya..baka my pumipigil lang na dahilan sa kanya."

"HINDI KA CGURADO kung sya Ba TALAGA!!!... ang NANUNUOD!!!.. HAWAK PO ni GOLDIE ang ACCOUNT!!!"

"Bqka ibang carlos yun nanood..gumamitnlng ng account."

Samantala, wala pang pahayag o kumpirmasyon mula kay Caloy tungkol dito.