Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Martes ng tanghali, Setyembre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:13 ng tanghali.
Namataan ang epicenter nito 62 kilometro ang layo sa timog-silangan ng General Luna, Surigao Del Norte, na may lalim na 10 kilometro.
Inaasahan daw ng magkakaroon ng aftershocks ang lindol.
Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.