September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Stell, pinuri dahil sa pagpapakatotoo

Stell, pinuri dahil sa pagpapakatotoo
Photo Courtesy: Stell (IG)

Tila nagkaroon ng magandang epekto ang hindi pagkakaila ng SB19 member na si Stell Ajero sa pagpaparetoke niya.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Setyembre 17, naghayag ng pagkatuwa si showbiz columnist Cristy Fermin sa pagiging tapat ni Stell.

“Alam mo, tuwang-tuwa ako kasi minsan-minsan nakakakita tayo ng personalidad hindi baleng i-bash, hindi baleng pintasan magpakatotoo lamang, ‘di ba?” saad ni Cristy.

Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika: “‘Yon ang pinakamaganda kasi, Nay, e. ‘Pag nagpakatotoo ka, titigil lahat ng bashing mo, e.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Kasi ‘pag itinatanggi mo ‘yong mga nakikita nila sa ‘yo, pilit mong itinatanggi, lalo ka nilang gigigilin at aasarin,” dagdag pa nito.

Kaya naman ayon kay Cristy, napakaswerte raw ni Stell dahil sa pagpapakatotoo nito at sa taglay na talento.

Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay diretsahang tinanong si Stell at ang isa pa niyang kagrupong si Pablo tungkol sa mga umiintriga sa biglang pagbabago umano ng hitsura nila.

MAKI-BALITA: ''Di ba obvious?' SB19 Stell, Pablo sinagot isyu ng pagpaparetoke