December 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Righhhooouuurrr at Lena, ginawang endorser ng liempo

Righhhooouuurrr at Lena, ginawang endorser ng liempo
Photo courtesy: Screenshot from Baliwag Lechong Manok at Liempo (FB)

Grabe na talaga ang popularidad ng mga karakter nina John Estrada at Mercedes Cabral sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" matapos silang kuning brand ambassador ng isang kilalang tindahan ng lechong manok at liempo.

Sumikat kasi sa social media ang linyahan ni Mercedes bilang "Lena," ang kabit ng karakter ni John na si "Rigor," nang magpabili ito ng liempo sa kaniya.

Sa katunayan, agad din itong ginawang content sa TikTok at ginawan pa ng kanta.

Ginamit din ng nabanggit na kompanya ang nabuong kanta na siyang isinayaw nina John at Mercedes habang ipinakikita nila ang liempo, na hinirit ng huli sa una.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Facebook

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Naku, blessing pa pala 'yong linyahan na 'yon hehe magpasalamat kayo sa writer na nakaisip sa dialogue. Congrats Rigor at Lena!"

"Love that they did not use their characters sa Batang Quiapo to avoid promoting that bad image. Edit kasi andaming slow: 'I love that they did not portray any character showing adultery to avoid promoting that bad image.'"

"Rhoda and Marites for Andoks!!!!"

"Mercedes Cabral deserves this kind of fame. Sa tagal niya sa industriya and despite her high accolades, ngayon lang sya napapansin ng ganito."

"naging commercial pa tuloy..endorser n cla ng liempo, cute nila."

Samantala, kukunin kaya ng kalaban sina Cherry Pie Picache at Direk Joel Lamangan? Iyan ang dapat abangan sa mga susunod na araw.