September 19, 2024

Home BALITA National

MRT-3, may pa-libreng sakay sa goverment employees para sa Philippine Civil Service anniversary

MRT-3, may pa-libreng sakay sa goverment employees para sa Philippine Civil Service anniversary
DOTr MRT-3/FB

Maghahandog ng libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magtatagal ang libreng sakay simula Setyembre 18 hanggang Setyembre 20, 2024, sa buong oras ng operasyon nito. 

"Binabati at pinasasalamatan po natin ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno na naglilingkod nang tapat para sa kapakanan ng publiko. Layon ng LIBRENG SAKAY ng MRT-3 na makapaghatid ng kahit kaunting kasiyahan sa kanila na tanda ng aming pagsaludo at pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo. Mabuhay ang mga kawani ng gobyerno!" saad ni MRT-3 General Manager Oscar B. Bongon sa isang pahayag.

Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lamang magpakita ng employee ID sa station personnel bilang patunay na sila ay kawani ng gobyerno. 

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Narito ang schedule ng MRT-3:

Mula
First Trip: 4:30 AM
Last Trip: 9:30 PM

Mula
First Trip: 5:05 AM
Last Trip: 10:09 PM