September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room
Photo courtesy: GMA Network (FB)

Grabe na talaga si Asia's Multimedia Star at Kapuso heartthrob Alden Richards dahil hindi pa man humuhulagpos sa kilig ang KathDen fans sa panibagong pasilip na trailer sa pelikulang "Hello, Love, Again" nila ni Kathryn Bernardo, heto't usap-usapan naman ang chemistry din nila ni Sanya Lopez sa kanilang historical-drama series na "Pulang Araw."

MAKI-BALITA: 'Kinilabutan ako!' Unang pasilip sa 'Hello, Love, Again,' umani ng reaksiyon

Kinilig kasi ang netizens sa eksena ng "pagniniig" ng mga karakter nilang sina Eduardo at Teresita sa latest episode ng Pulang Araw na napapanood din sa Netflix.

Shinare ng GMA Network ang ilang mga screenshots mula sa eksena na may hashtag na #PulangArawPagniniig.

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

"Ay! Eduardo! Teresita! Tulog na ba ang mga bata?!" mababasa sa caption.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens na mababasa sa comment section ng post ng GMA, sa kaniyang official Facebook page.

"Nasan ang pamalo?"

"Ang mahiwagang stock room.. Hahahaha."

"Ang stock room ang piping saksi!"

"Grabe sila Teresita at Eduardo Sobrang Ganda ng Pagkakagawa sa Love Scene nyo Grabe kakakilig kayo dalawa love you."

"Literal na digmaan sa stock room haha."

"Waaaahhhh!!!! Grabe kilig ko dyan! Ilang beses ko inulit yan sa Netflix."

"Stock room lang sakalam."

"Ibang digmaan na 'yan hahahaha."

"Digmaan literal Ng dalawang taong nagmamahalan."

"Ay ano baga't nagpapandale pa kayo riyan ay kita na ninyong nag uumpisa na ang digmaan? Kainaman na ang mga are.."

Bukod sa GMA Prime ay napapanood ang Pulang Araw sa Netflix.