January 15, 2025

Home BALITA National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin
Courtesy: PAGASA/FB

Nakataas pa rin sa Signal No. 1 ang apat na lugar sa Luzon dahil sa Tropical Depression Gener na patuloy na kumikilos pakanluran sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 5:00 ng hapon nitong Martes, Setyembre 17.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Gener 235 kilometro ang layo sa West Northwest ng Baguio City.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

De Lima sa impeachment ni VP Sara: 'The time to act is now!'

Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Western portion ng Pangasinan (Sual, Burgos, Dasol, Mabini, Infanta, Labrador, City of Alaminos, Bani, Bolinao, Anda, Agno)

Inaasahan daw na lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Gener mamayang gabi o bukas ng madaling araw, Miyerkules, Setyembre 18.