September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gabbi Garcia, sumagot sa pang-uurot tungkol sa suot niyang singsing

Gabbi Garcia, sumagot sa pang-uurot tungkol sa suot niyang singsing

Sinagot na mismo ni Kapuso Star Gabbi Garcia ang mga pang-uusisa ng mga netizen kung engaged na ba sila ng jowang si Khalil Ramos.

Pinutakti kasi ng fans si Gabbi matapos nilang mapansin ang suot niyang singsing, na anila, ay mukhang engagement ring na raw at mukhang may plano nang lumagay sa tahimik ang magkasintahan.

Pero sa comment section mismo ng Instagram post ay winalis na agad ni Gabbi ang mga sabi-sabi ng netizens.

Aniya, ang singsing daw ay bigay sa kaniya ng ina.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"GUYZZZZ it’s a ring from my mom afaik, engagement rings should be on the left hand!! It’s my right hand u guyshhh relax babes you’ll know promise!!" ani Gabbi.

Tila nalotlot naman ang fans ng dalawa dahil "napurnada" raw ang pag-asam nilang makakarinig na sila ng wedding bells para sa Kapuso couple.

Anyway, huwag na lang masyadong ma-excite at marami pang plano sa kani-kanilang career ang dalawa na parehong nasa ilalim ng GMA Network.

MAKI-BALITA: Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?