September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Eldrew Yulo sinabihang 'wag gayahin kuyang si Carlos; tatay, sumabat

Eldrew Yulo sinabihang 'wag gayahin kuyang si Carlos; tatay, sumabat
Photo courtesy: Screenshot from Mark Andrew Yulo (TikTok)/Karl Endrew Yulo (FB)/MB via Balita

Ipinagtanggol ni Karl Eldrew Yulo ang kaniyang kuyang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos sabihan siyang huwag gagayahin ang kapatid.

Sa isinagawang Live ni Karl kasama ang tatay nilang si Mark Andrew Yulo, pinagsabihan si Karl ng isang netizen na huwag niyang gagayahin ang Kuya Caloy niya, matapos pag-usapan ang kontrobersiya sa pagitan nito at ng nanay nilang si Angelica Yulo.

Pero depensa ni Eldrew, mabait naman daw ang kaniyang Kuya Caloy, bagay na sinegundahan naman ng kanilang tatay.

"Karl 'wag gayahin kuya mo ah...' mabait naman po si Kuya [Carlos Yulo], 'wag po kayo mag-alala, mabait naman po si Kuya..." saad ni Karl.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sabat naman ng tatay na si Mark Andrew, "Mabait naman 'yan si Caloy... mabait 'yang si Caloy, nararamdaman ko, mag-aano 'yan, babalik 'yan..."

Matatandaang pinag-usapan din ng mga netizen ang tila pagpaparinig ni Mark Andrew sa kaniyang anak sa pamamagitan ng shared posts.