January 15, 2025

Home BALITA National

24 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1 dahil kay 'Gener'

24 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1 dahil kay 'Gener'
Courtesy: PAGASA/FB

Nakataas pa rin sa Signal No.1 ang 24 lugar sa Luzon, kabilang na ang hilagang bahagi ng Metro Manila, dahil sa Tropical Depression Gener na huling namataan sa vicinity ng Ambaguio, Nueva Vizcaya, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng umaga, Setyembre 17.

Sa tala ng PAGASA dakong 8:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyong Gener sa vicinity ng Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-southwest sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

OVP, inanunsyong wala silang budget sa kanilang medical at burial assistance program

Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Northern portion ng Metro Manila (Quezon City, Caloocan City, City of Valenzuela, City of Malabon, City of Navotas, City of Marikina, City of Manila, City of San Juan, City of Mandaluyong)

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Apayao

Kalinga

Abra

Ifugao

Mountain Province

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Zambales

Tarlac

Nueva Ecija

Pampanga

Bulacan

Northern at central portions ng Bataan (Dinalupihan, Orani, Hermosa)

Aurora

Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang na ang Polillo Islands

Northern portions ng Rizal (Rodriguez, San Mateo)

Ayon sa PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyong Gener sa coastal waters ng Ilocos Sur o La Union ngayong Martes.

“The tropical cyclone will then move generally westward over the West Philippine Sea until Thursday (19 September) before turning west northwestward as it heads towards southern China,” anang weather bureau.

Posible namang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa pagitan ng Martes ng gabi o sa Miyerkules ng umaga, Setyembre 18.