September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tinakbo raw pera, nagkakaso pa: Partner ni Ken Chan, ibinaon daw siya sa utang?

Tinakbo raw pera, nagkakaso pa: Partner ni Ken Chan, ibinaon daw siya sa utang?
Photo courtesy: Ken Chan (FB)

Ang business partner at karelasyon daw ng Kapuso actor na si Ken Chan ang umano'y naging dahilan kung bakit nauwi sa syndicated estafa case ang paghahabol daw sa pera ng investors sa negosyo nito, ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz.

Hot topic sa September 15 episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" ang tungkol sa pagkakadawit umano ng aktor sa isang kaso, kaya raw "nagtatago" raw ito sa ibang bansa.

Nadudurog daw ang puso ni Ogie para kay Ken dahil kilala raw niyang mabait na bata ang aktor.

Nauna nang naibalita ni Ogie sa mga naunang episode ng vlog niya ang tungkol sa umano'y may warrant of arrest na raw para kay Ken at sa iba pang mga incorporator dahil nga sa reklamo ng ilang nag-invest daw sa negosyo nito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi naman daw maipagtanggol ni Ogie si Ken dahil wala naman itong binibitiwang opisyal na pahayag kaugnay sa mga isyung lumiligid patungkol sa kaniya, at ang nakikita lamang sa social media accounts niya ay okay na okay siya.

Sa tingin naman ni Ogie, paraan ito ni Ken upang ipakita sa kaniyang fans at supporters na nasa maayos siyang kalagayan at huwag nila siyang intindihin.

Pero tanong naman ni Mrena, isa sa co-hosts ni Ogie, nasaan daw ba ang Kapuso actor at bakit ito nagtatago?

Ani Ogie, iyon na nga raw ang malaking tanong dahil napaulat daw na nagtago sa Japan at Amerika si Ken, at sana raw ay harapin na niya ang mga kaso niya dahil hindi habambuhay na matatakasan niya ang mga asuntong kailangan niyang sagutin.

May nakausap din umano ang showbiz insider na habang nasa tagong lugar daw ang aktor ay talagang pilit siyang nagbebenta ng properties.

"Habang nasa tagong lugar itong si Ken Chan ay pilit siyang nagbebenta ng mga properties," sey ni Ogie.

"So, sa tingin mo 'Nay iyang pagbebenta ng properties ay para harapin 'yong mga ibinabato sa kaniyang mga isyu?" tanong ni Mama Loi.

"I think so. Kasi 'yong isa ibinebenta na niya 'yong lote niya doon sa Tagaytay. Siguro ito ay para makabawas-bawas din sa mga utang... kasi nga, 'yong isang partner daw ni Ken Chan ang parang kumamkam, 'yong kumuha daw ng most of the money..." tsika pa ni Ogie.

"Meron pang nagkuwento sa akin na hindi sila titigil hangga't hindi raw nila napapanagot si Ken Chan," saad pa ni Ogie.

Nang tanungin naman ni Mama Loi si Ogie kung hindi ba nakikiusap si Ken sa mga naghahabol sa kaniya, sinabi raw ng kausap ng showbiz insider na mahabang panahon o palugit na raw ang ibinigay nila sa aktor para maibalik ang mga inilabas at ininvest nilang pera, na umabot na raw sa demandahan.

Kung si Ogie daw ang nasa kalagayan ni Ken ay haharapin daw niya ang nakaambang kaso, at kung may magtitiwala pang kaibigan sa kaniya, ay puwede muna siyang humiram ng pera para maibalik na ang mga perang hinahabol ng investors at matigil na rin ang demanda laban sa kaniya, upang malinis din ang kaniyang pangalan.

Nabanggit pa ng showbiz insider na ang dahilan daw kung bakit may problema ngayon si Ken ay dahil sa kaniyang business partner at jowa.

"'Yong isang friend ko naniniwala, na 'yong isang kapartner ni Ken Chan na karelasyon din niya, 'yon talaga 'yong itinuturo ng marami, kung bakit nabaon sa utang si Ken Chan," anang Ogie. "Kung bakit hindi naisauli 'yong investments. Sayang. Award-winning actor pa naman si Ken Chan. Masisira lang nang ganiyan."

"Saka mabait," segunda naman ni Mama Loi.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Ken Chan o maging ang sinasabing business partner-karelasyon niya patungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig. 

MAKI-BALITA: Nahaharap sa kasong estafa: Ken Chan, nagbebenta ng properties pambayad-utang?