September 19, 2024

Home BALITA Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!
file photo

Isang negosyante ang patay nang pagbabarilin ng 'di kilalang salarin habang nasa kaniyang sasakyan, kasama ang kaniyang pamilya sa Teresa, Rizal nitong Linggo ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si alyas 'Al,' 36, nagba-buy and sell, at residente ng Brgy. Dalig, sa Teresa.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin na inilarawan lamang na nakasuot ng helmet at itim na jacket.

Batay sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, nabatid na dakong alas- 8:50 ng gabi nang maganap ang krimen sa C5 Road, Barangay San Roque, sa Teresa.

Metro

Trillanes, tatakbong mayor ng Caloocan: 'Parating na po ang pagbabago'

Nasa tapat umano ng isang convenience store sa lugar ang biktima, sakay ng kaniyang 'di tinukoy na uri ng sasakyan, kasama ang kaniyang pamilya, nang bigla na lang dumating ang suspek, lulan ng isang puting Yamaha motorcycle.

Kaagad umano nitong binuksan ang pintuan ng sasakyan ng biktima at sa 'di pa batid na kadahilanan ay kaagad itong pinagbabaril.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek, bitbit ang di pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa pagpatay.

Gayunman, ligtas naman ang pamilya ng biktima. 

Masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito.