September 22, 2024

Home SHOWBIZ

Naol laging pinipili! SB19 Stell, pinili maging coach kahit di umikot

Naol laging pinipili! SB19 Stell, pinili maging coach kahit di umikot
Photo courtesy: Screenshots from The Voice Kids (YouTube)

Naaliw ang mga netizen sa episode ng "The Voice Kids" sa GMA Network matapos piliin ang coach na si SB19 member Stell Ajero ng isa sa mga contestant, na inikutan naman ng kapwa coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at isa pang SB19 member na si Pablo.

Sa nabanggit na episode, pinapili ni Stell si "Makmak" kung sino sa tatlong umikot para sa kaniya ang magiging coach niya.

Halos gumulong sa katatawa ang lahat nang sabihin ng bata na si Stell ang pinipili niya, na unfortunately ay hindi nga umikot para sa kaniya.

"Alam mo sumosobra ka na," natatawang kunwa'y binitbit palabas si Stell.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

"Wow grabe ka na talaga Coach! Hindi ka na nga umikot, ikaw pa rin pinili!"

Dahil dito ay napahugot naman ang mga netizen na sana all daw, laging pinipili.

Samantala, ang pinili naman ni Makmak ay si SB19 Pablo, at nag-sorry siya kina Coach Julie Anne at Coach Billy.