September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YT)

Tila epektibong nagagampanan ni Kapamilya actress Janine Gutierrez ang role niya sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Lavender Fields.”

Sa latest episode kasi ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Setyembre 16, pinuri ni showbiz columnist Cristy Fermin ang mahusay na pag-arte ni Janine.

“Ang dami pong naiinis dito kay Janine Gutierrez kasi sa role niya. Pero pinapalakpakan naman siya dahil ang galing-galing niyang umarte,’ saad ni Cristy.

Dagdag pa niya: “At, ‘Day, ‘wag tawaran ang katawan. Lalo ‘pag naka-two piece. Grabe, pagkaganda-ganda!”

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“Saka alam mo, ‘Nay, ‘di ba ang mga [katangian ng] kontrabida…nasa kaniya, e. Karakter niya, e. Matangkad, maganda, sexy, nakakapag-Ingles. Nasa kaniya talaga, e,” segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika.

Kasalukuyan nang mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida at Netflix (number 1 TV show ngayon) ang “Lavender Fields” na nasa ilalim ng Dreamscape Entertainment. Kasama ni Janine sa nasabing serye sina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at marami pang iba.

MAKI-BALITA: Jolina Magdangal, sasabak sa pag-arte makalipas ang halos isang dekada