November 25, 2024

Home BALITA National

Gener, napanatili ang lakas habang nasa baybayin ng Cagayan Valley

Gener, napanatili ang lakas habang nasa baybayin ng Cagayan Valley
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng Tropical Depression Gener ang lakas nito habang kumikilos sa baybayin sa silangan ng Cagayan Valley, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 2:00 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 16.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Gener 305 kilometro ang layo sa silangan hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora o 325 kilometro ang layo sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour. 

Kumikilos ito pa-north northwest sa bilis na 10 kilometers per hour.

National

‘Mum and I love you!’ PBBM, binati anak na si Simon sa kaarawan nito

Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Apayao

Kalinga

Abra

Ifugao

Mountain Province

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Zambales

Tarlac

Nueva Ecija

Aurora

Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands

Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyong Gener sa vicinity ng Isabela o Aurora sa susunod na 24 oras, at posibleng baybayin ang coastal waters ng La Union o Pangasinan bukas ng umaga, Martes, Setyembre 17.

“The tropical cyclone will then move west southwestward over the West Philippine Sea tomorrow before turning generally northwestward by Wednesday (18 September),” anang weather bureau. 

Posible namang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa pagitan ng Martes ng gabi o sa Miyerkules ng umaga, Setyembre 18.