September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)

Panalangin para sa paggaling ang hiling ni Optimum Star Claudine Barretto, hindi para sa kaniya, kundi para sa kaniyang 87-anyos na inang si Inday Barretto, na kasalukuyang nasa ospital sa Bonifacio Global City at nakikipaglaban sa sakit.

Ayon sa Instagram post ni Claudine, may sakit na lupus ang kaniyang ina, at nakikiusap siya sa mga tagasuporta at netizens na ipagdasal ang paggaling nito, dahil siya na lamang ang natitirang magulang nilang magkakapatid.

Ang lupus ay isang autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ang sariling mga malulusog na tissue ng katawan, sa halip na protektahan ito mula sa mga impeksyon. Dahil dito, nagkakaroon ng pamamaga at pinsala sa iba't ibang bahagi ng katawan, kabilang ang balat, kasu-kasuan, bato, at mga organo.

"Mom we luv & need u dearly.Pls get well soon.Palanggas pls pray for my Mom more than a week na sya sa hospital & is 87years old with Lupus.i need all your prayers pls.she is the only parent i have left. i have been checking & taking care of her together with my kuyas Mito & @jjbarretto my Ate Michie & sister in law connie."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"thank you po sa inyong lahat isama nyo na rin po ako sa prayers nyo i havent been eating & im fown to 97pounds & i haven't been sleeping.Godbless you all & your families as well" ani Claudine.

Batay sa latest update ni Claudine ay naka-confine ang kanilang ina sa St. Luke's Hospital sa BGC.

Bumaha naman ng pag-aalala at kind words para kay Claudine at sa kaniyang ina, sa comment section ng kaniyang post.

"Praying for your strength Clau and trust God."

"Get well soon mommy inday."

"Lord heal Mommy Inday, we lift her up to you. And praying for strength and protection for Claudine and her siblings."

"Get well soon po!"