January 15, 2025

Home BALITA National

Bagyong Gener, bahagyang lumakas; Signal No. 1, itinaas sa 19 lugar sa Luzon

Bagyong Gener, bahagyang lumakas; Signal No. 1, itinaas sa 19 lugar sa Luzon
Courtesy: PAGASA

Itinaas na sa Signal No. 1 ang 19 lugar sa Luzon dahil sa Tropical Depression Gener na bahagyang lumakas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes, Setyembre 16.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Gener 325 kilometro ang layo sa East Northeast ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour. Mabagal itong kumikilos pa-west southwest.

Dahil dito, nakataas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

National

De Lima sa impeachment ni VP Sara: 'The time to act is now!'

Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands

Isabela

Quirino

Nueva Vizcaya

Apayao

Kalinga

Abra

Ifugao

Mountain Province

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Zambales

Tarlac

Nueva Ecija

Aurora

Northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real) kabilang na ang Polillo Islands

Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyong Gener sa vicinity ng Isabela o Aurora sa susunod na 24 oras, at saka nito babaybayin ang coastal waters ng La Union o Pangasinan bukas ng umaga, Martes, Setyembre 17.

Posible namang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa pagitan ng Martes ng gabi o sa Miyerkules ng umaga, Setyembre 18.