September 19, 2024

Home SPORTS

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota

Napasakamay na ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang ipinangako sa kaniyang brand new Land Cruiser Prado ng Toyota Motors Philippines (TMP) bilang pagkilala sa makasaysayan niyang tagumpay noong 2024 Paris Olympics.

KAUGNAY NA BALITA: Toyota Motor Philippines, bibigyan ng ₱5M-worth na SUV si Carlos Yulo!

Ngayong Lunes, Setyembre 16, 2024 opisyal na ibinigay ng TMP kay Caloy ang nasabing luxury car kasama ang maikling programa na dinaluhan ng mga empleyado ng Toyota na isinagawa sa manufacturing plant nito sa Sta. Rosa, Laguna. 

“Thank you, Caloy, for being an inspiration. Like the Prado, you are legendary in every way. We hope the Prado will Move Your World and help you achieve even more,” saad ni Toyota President Masando Hashimoto sa kaniyang opening speech. Kasama rin sa naturang programa ang ‘tour’ ni Caloy sa pasilidad ng Toyota kung saan ibinida ni Hashimoto ang teknikal na pagbuo nila ng kanilang mga produkto. 

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Isang 2025 Land Cruiser Prado na may 2.4 turbo engine ang ngayo’y nasa pagmamay-ari na ni Caloy na siya na rin mismong pumili na kulay at unit nito na White Pearl Mica colorway.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Magkano nga ba ang 2024 Toyota Land Cruiser Prado sa Pilipinas?

Matatandaang ang Toyota Motor Philippines ang unang kompanyang nangako sa kaniya ng luxury car bilang parte ng insentibong kaniyang maiuuwi dahil sa Paris Olympics. Sinundan naman ito ng Chery Tiggo kung saan naghandog din sila ng brand new Chery Tiggo 7 Pro para kay Golden Boy.

KAUGNAY NA BALITA: Pangalawang SUV na! Carlos Yulo, binigyan ng bagong Chery Tiggo 7 Pro

Kate Garcia