September 20, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Wala pang trailer: Movie tickets ng 'Hello, Love, Again' ibinebenta na

Wala pang trailer: Movie tickets ng 'Hello, Love, Again' ibinebenta na

On-going na raw ang selling ng movie ticket para sa pelikulang "Hello, Love, Again" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, na sequel sa matagumpay nilang pelikulang "Hello, Love, Goodbye."

Hello, Love, Goodbye ang may hawak ng ikalawang spot bilang "highest-grossing Filipino movie of all time," bago ito ma-dethrone ng "Rewind" noong 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Inanunsyo na nga ng SM Cinema nitong Sabado, Setyembre 15, na available na ang movie tickets ng pelikula kaya puwede na itong mabili. 

TINGNAN: SM Cinema - The ultimate love story is returning to the big... | Facebook

Pelikula

Joshua Garcia, boboses sa Pinoy-dubbed version ng 'Inside Out 2'

Bali-balitang marami na raw ang nagpa-block screening ng nabanggit na pelikula mula sa kani-kanilang fans, simula nang buksan ang selling of tickets. Sa Nobyembre naman ipalalabas ang pelikula.

Hindi naman daw masisisi ang mga sinehan kung bakit maaga silang naglabas ng tickets dahil sigurado na raw na dudumugin sa mga sinehan ang sequel na magkukuwento naman kung kumusta at ano ang nangyari sa karakter ni Kathryn na si Joy Marie Fabregas, at kung magkakatuluyan na ba sila rito ni Ethan Del Rosario, karakter naman ni Alden.

Biro naman ng mga netizen, mas nauna pa raw magkaroon ng pagbebenta ng tickets kaysa ilabas ang movie trailer.