December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Pagpapalaki ni Kris Aquino sa mga anak na sina Bimby, Joshua pinag-usapan

Pagpapalaki ni Kris Aquino sa mga anak na sina Bimby, Joshua pinag-usapan
Photo courtesy: Screenshots from Darla Sauler vlog (YouTube)

Usap-usapan ng mga netizen ang vlog ng segment producer sa ABS-CBN at malapit na kaibigan ni Queen of All Media Kris Aquino na si Darla Sauler, nang ipasilip niya ang pagdalaw niya sa bahay ng mag-ina sa Amerika, at kung paano siya pinaglutuan ng bunsong anak nitong si Bimby Aquino.

Masayang-masayang ibinida ni Darla kung paano siya ipinagluto ni Bimby ng trademark na spaghetti ng kaniyang ina, at kung gaano ka-sweet ang 17-anyos na binatilyo sa kaniya maging sa kuya nitong si Josh Aquino.

Hindi makapaniwala si Darla na darating ang puntong makikita niya si Bimby na nagluluto para sa kaniya, na una na nitong ginawa noong medyo bagets pa, kung saan ipinagluto siya ng steak.

Nang tanungin ni Darla si Bimby kung kumusta na ang lagay ng mama niya, ang best words daw na masasabi niya ay "getting better."

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Nagpasalamat din si Bimby sa mga kaibigan, kakilala, at supporters ng kaniyang ina na patuloy na nagdarasal para sa kagalingan nito mula sa autoimmune disease at iba pang sakit.

Sa comment section naman ng vlog ni Darla, hindi maiwasan ng mga netizen na mapag-usapan ang upbringing ni Bimby bilang anak ni Kris.

Puri ng mga netizen, maganda ang naging pagpapalaki ni Kris sa mga anak kahit na single parent siya at may iniinda pang karamdaman.

Hindi raw nila gets kung bakit bina-bash si Bimby at kinukuwestyon ang kaniyang sekswalidad, na una nang itinuwid ng bunso ni Kris, at ng isang malapit na journalist-writer, na straight siya.

"Grabe ang bait bait ng mga anak ni Kris Aquino hindi ko magets saan galing yung pambabash noon kay Bimby, napaka down to Earth. Wala ako masabi talagang napalaki ni Kris Aquino ng mabuting tao yung mga anak nya."

"Napakabait at responsableng bata [Bimby]. Kris raised him well! He’s so sweet, humble, and polite."

"Grabe ang role ni Bimby sa family niya knowing that he's the bunso. He's a very loving human being to his mom and Josh. Napakasimple ng buhay nila sa U.S and napakasaya kaya Kris will be better soon because of her kids."

"Kahit may mga katulong, nagluluto pa. Napaka humble ni Bimby, napakabait na bata pala talaga."

"Naiyak ako dito while watching, thinking that both of them grew up without a father and grabe pa pinagdaanan ng mommy nila, now Bimb has grown to be a very responsible son taking care of his mom and Kuya.. I'm so proud of you bimby."

"i dont know why lots of bashers keep saying bad things about this family, but this one is an epitome of pure love and devotion."

"Bimby is such a fine man. People back then would question his sexuality because of his expressions and way of talking but obviously, it's just the environment he grew up in. People talking like that. But he's a very sincere and genuine man. Ms. Kris really is a great mom for raising such good children. What a great achievement as a mother."

"Bait ni bimb...ang galing ni ms.kris pinalaki nya mga anak na mababait at napaka humblelove love love ur family ms.kris ikaw parin ang original idol ko."

"Napa down to earth ni Bimbi. Kris did a great job raising his sons. God bless you Kris with a healthy life . Sana humaba pa buhay ni Kris. Praying for you always."

MAKI-BALITA: Straight ba si Bimb? Journo, may nilinaw sa sekswalidad ng anak ni Kris Aquino