October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Ina ni Lloyd Cadena, 'di pa rin maka-move on sa pagpanaw ng anak

Ina ni Lloyd Cadena, 'di pa rin maka-move on sa pagpanaw ng anak
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Gonzaga (YT)

Inamin ni Lorita Cadena o mas kilala bilang “Mother Kween”  na hindi pa rin daw siya nakaka-move sa pagkamatay ng anak niyang si  Lloyd Cadena na isang Pinoy vlogger.

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 15, inusisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kung paano raw na-handle ni Mother Queen ang pagkawala ng anak nito.

"Actually, parang hindi ko ma-handle. Tapos sabi ng panganay ko: 'Ma, may iba ka pang anak.' ‘Yong parang natauhan ako. ‘Yong gano’n," lahad ni Mother Kween.

Dagdag pa niya: "Tapos, ang daming nagtatanong na pa’no daw ako naka-move on. Tapos sabi ko, wala namang nanay maka-move on, ‘di ba? Hindi kasi nila naiintindihan, e, kasi ‘di sila naging nanay, ‘di ba?" 

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Gayunman, alam daw ni Mother Kween na masaya na raw ngayon si Lloyd saan man naroon ang kaniyang mahal na anak.

Matatandaang noong Setyembre 4, 2020, mahigit dalawang linggo bago ang kanyang ika-27 na kaarawan, pumanaw ang vlogger sa edad na 26.

Namatay si Cadena dahil sa atake sa puso ilang araw lamang matapos siyang magpositibo sa coronavirus.

MAKI-BALITA: Pamilya at fans ni Lloyd Cafe Cadena, ginunita ang 2nd death anniversary ng vlogger