December 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Geneva Cruz, bukas pa rin ang puso sa true love

Geneva Cruz, bukas pa rin ang puso sa true love
Photo Courtesy: Screenshot from Bernadette Sembrano (YT)

Tila hindi pa rin daw sumusuko sa paghahanap ng pag-ibig ang singer-actress na si Geneva Cruz sa kabila ng edad nito na 47 anyos.

Sa latest vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano nitong Linggo, Setyembre 15, sinabi niya na very open daw siya sa true love.

“I’m very open, yes. Of course. I’m always open to love. I’m open to true love. I mean, I’m a girl who loves Disney movies and fairy tales but I found out that there’s no such thing as happily ever after or prince charming,” saad ni Geneva.

“But you know what? I beg to disagree. I still believe that there is someone out there for me. There’s a prince charming out there for me,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “The difference is that he will be a partner. He doesn’t need to always save me. Cause I’m able to save myself. I want a partnership.”

Pero ang gusto raw ni Geneva sa lalaki ay masculine dahil gusto niyang panatilihin ang kaniyang femininity para hindi sila mag-away. Hinubog na raw kasi siya ng masculine energy sa kaniyang trabaho sa showbiz at military. Kaya ang gusto naman daw niya ay may mag-aalaga sa kaniya.

“Gusto ko girl naman ako. Gusto ko ‘yong aalagaan din ako,” aniya.