September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bagay ba? Bimby sa 'crush' na si BINI Mikha, 'She's bright, beautiful girl!'

Bagay ba? Bimby sa 'crush' na si BINI Mikha, 'She's bright, beautiful girl!'
Photo courtesy: via Balita/Mikha Lim (IG)

Ibinuking ng segment producer sa ABS-CBN at malapit na kaibigan ni Queen of All Media Kris Aquino na si Darla Sauler na "crush" ni Bimby Aquino ang isa sa mga miyembro ng Nation's girl group na "BINI," na si BINI Mikha Lim.

Sa vlog ni Darla, ipinakita niya ang pagdalaw sa mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby sa bahay nila sa Orange County sa California, matapos ang ganap ng musical variety show na ASAP doon.

Sa pag-uusap ng dalawa ay tila nabanggit ni Bimby na sinubukan daw ni Darla na i-set up siya sa isang "someone."

"Alam n'yo po, Darla's trying to set me up with someone eh," buking ni Bimby.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Kasi crush mo 'yon eh," hirit naman ni Darla.

"Nakuuu, hindi," sey naman ni Bimby pero kitang-kita namang pagkaluwag-luwag naman ng kaniyang ngiti.

"Crush mo si BINI Mikha," buking ni Darla. "May picture kayo..."

"Ikaw kaya ang nagsabi," natatawang sansala naman ni Bimby.

Nilinaw naman ni Bimby na wala siyang picture together ni BINI Mikha kundi sa buong BINI group, dahil gustong-gusto raw ng pamangkin ng isa niyang tito ang Nation's all-female group.

"Kuya Bimby... you and BINI Mikha are bagay {natawa], kaloka," kuwento ni Bimb na sabi raw sa kaniya ng mga pamangkin ng kaniyang tito.

Nang sabihan naman siya ni Darla na kinikilig siya, "Of course, she's bright, beautiful girl."

Natanong naman si Bimby kung mag-aartista na raw siya at papasukin ang showbiz.

"I don't know. Ano, everything has its own time and place talaga..." aniya.

MAKI-BALITA: Aprub ba kay Krissy? Bimby, may crush daw sa BINI

Curious tuloy ang mga netizen kung anong masasabi ni Mikha tungkol dito. At if ever, boto naman kaya si Tetay para kay Mikha?

Samantala, pinuri naman ng mga netizen si Bimby dahil sa pagiging responsable nitong anak ni Kris, kahit na siya ang bunso ng pamilya.

Pinuri din ng netizens ang parenthood ni Kris dahil napalaki raw niya nang maayos ang mga anak, kahit single parent siya at may iniindang karamdaman.

MAKI-BALITA: Pagpapalaki ni Kris Aquino sa mga anak na sina Bimby, Joshua pinag-usapan

Anyway, nasa Pinas na rin ang mag-iina para sa pagpapatuloy ng gamutan ni Kris, na ayon pa kay Ogie Diaz, ay kasama raw ang jowang doktor.

MAKI-BALITA: Jowang doktor, kasamang bumalik ni Kris sa Pilipinas?