October 04, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Alden, nagpapakamaginoo raw; binibitbit mga gamit ni Kathryn

Alden, nagpapakamaginoo raw; binibitbit mga gamit ni Kathryn
Photo Courtesy: Screenshots from One PH (YT)

Naghayag ng pagkatuwa ang showbiz columnist na si Cristy Fermin kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan, sinabi ni Cristy ang dahilan kung bakit siya natutuwa sa aktor.

“Alam mo, natutuwa ako. ‘Yong pagiging maginoo niya [Alden], aba, kasama na pala siya doon sa mga pinapansin ngayon na nagbibitbit din ng kagamitan ni Kathryn Bernardo,” saad ni Cristy.

“Pero si Joross [Gamboa] ang nagkuwento nito. Wala raw siyang nakikita na anomang kaplastikan sa dalawa. Nakikita niya, tinutulungan ni Alden sa mga kagamitan. Kaya napakamaginoo,” wika niya.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Dagdag naman ng co-host niyang si Romel Chika, nakita rin daw niya ang larawan kung saan hawak-hawak naman ni Alden ang pagkain ni Kathryn habang nasa shooting sila ng pelikulang “Hello, Love, Again” sa Canada.

Matatandaang noong Hunyo naman ay nagbalik si Alden sa Hong Kong kasama ang dalawa pa niyang co-star sa nasabing pelikula na sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam. 

MAKI-BALITA: ‘Ethan,’ balik-Hong Kong na!