September 19, 2024

Home SPORTS

Hard-launched na kaya? Creamline ibinalandra na relasyon nina Tots Carlos, Kyle Negrito

Hard-launched na kaya? Creamline ibinalandra na relasyon nina Tots Carlos, Kyle Negrito
Photo courtesy: Creamline Cool Smashers (FB)

Tanggap na rin kaya ng fans?

Matapos hindi maglabas ng kumpirmasyon sina Creamline Cool Smashers players Tots Carlos at Kyle Negrito tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, tila nasagot na ang matagal na intriga tungkol sa dalawa matapos i-post ang kanilang litrato sa Facebook page ng koponan.

Sa Facebook post ng koponan na may caption na “Champion sa game, champion pa sa love,” makikita na kabilang ang larawan nina Tots at Kyle sa litrato nina Jema Galanza at Ella De Jesus, at Michelle Gumabao kasama ang boyfriend nito.

TINGNAN: CHAMPION NA SA GAME CHAMPION PA SA LOVE... - Creamline Cool Smashers | Facebook

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Matatandaang inulan ng komento at intriga ang relasyon nina Tots at Kyle matapos ang pasabog na pag-amin ni dating Creamline middle blocker at ex girlfriend ni Tots na si Celine Domingo sa umano’y cheating issue na nangyari.

Ang nasabing cheating issue ang umano’y dahilan nang paglipat ni CED ng koponan.

Samantala, tila hindi rin naiwasang ungkatin ng fans at netizens ang isyu sa love triangle ng tatlo matapos maiuwi ni Kyle ang Finals MVP sa katatapos pa lamang na Invitational Conference, dahilan kung bakit hindi naiwasang muling maikumpura ito na minsan na ring naiuwi ni CED.

Sa isang viral tweet naman ng isang fan, tila dinepensahan nito si CED matapos muling maungkat ang pangalan dahil sa Finals MVP award ni Kyle.

“The way CCS fans treat CED is really disgusting. Siya na yung nag-adjust kahit siya na yung nadehado, siya pa rin binash n’yo,” saad nito sa X.

“CCS could had an outstanding MB, a promising setter and one of the best OPP in the country all in one if Tots Carlos had a little ounce of respect,” dagdag pa nito sa post.