September 19, 2024

Home BALITA

Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers

Doc Willie, nakuha raw ang cancer dahil sa stress sa comments ng bashers
screenshot: Doc Willie Ong/FB

Sa tingin ni Cardiologist Doc Willie Ong na nakuha niya umano ang Sarcoma cancer dahil sa stress. 

Matatandaang isiniwalat niya nitong Sabado, Setyembre 14, sa pamamagitan ng social media post na mayroon siyang cancer at kasalukuyang sumasailalim sa treatment para sa naturang sakit. 

BASAHIN: Doc Willie Ong, na-diagnose na may cancer

Kuwento ni Doc Willie, na-stress daw siya sa mga comment sa Facebook. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Saan ko nakuha 'to? Tingin ko. stress. Kaya kayo 'wag kayong magbabasa ng comments sa Facebook. Na-stress ako sa mga comments. Na-stress ako sa mga bashers. Na-stress ako kasi hindi tunay lahat ng sinasabi dahil sobra ko kayong mahal. Sobra kong mahal ang Pilipino. Sobrang mahal ko mga mahihirap. Tapos sasabihin nila na ginagamit ko lang...," aniya.

 Matatandaang tumakbo siya bilang bise presidente noong Eleksyon 2022 sa ilalim ng tiket ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Samantala, no'ng una raw nalungkot siya nang malaman niyang may cancer siya pero masaya raw siyang may purpose pa ang Diyos.

"Nalungkot ako? No'ng una, pero hindi eh, masaya na ako na basta may purpose pa ang Diyos," dagdag pa ni Doc Willie.

Pinagdarasal din daw niya na gagaling siya pero ang sabi raw ng  doktor niya ay mahirap daw na kalaban ang Sarcoma. 

"Isa sa pinakamahirap na cancer na kulang ang research, kulang ang bagong gamot, medyo miracle dapat."