September 18, 2024

Home BALITA National

Bam Aquino, may pa-sign-up sa BAYAG niya

Bam Aquino, may pa-sign-up sa BAYAG niya
Photo courtesy: Bam Aquino (FB)

Usap-usapan ang X post ng dating senador na si Bam Aquino patungkol sa pangalan ng youth group niya, na magsisimula na raw magpa-sign up sa mga bagong miyembro.

Aniya, marami na raw nagtatanong sa kaniyang kabataan kung paano magpa-sign up para maging miyembro sa Bam Aquino Youth Action Group o kung gagawan ng acronym ay BAYAG.

"Maraming nagtatanong, 'Sen. Bam, paano po maging B.A.Y.A.G? (Bam Aquino Youth Action Group)," mababasa sa kaniyang X post noong Setyembre 11.

"Oras na ba para sa BAYAG sign-up?"

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

PANOORIN: Facebook

TINGNAN: Bam Aquino - Maraming nagtatanong, "Sen. Bam, paano po maging... | Facebook

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga natuwa rito at may mga nagsabing hindi magandang "strategy" ito para matiyak niyang magkakaroon ng slot sa senatorial elections sa 2025.

"Wahaha cute sir!"

"Naku sir hindi makakatulong yang bayag mo sa campaign mo. Fire your PR strategist. Siya din cguro nagpa-haduken kay VP Leni. DDS cguro yan strategist mo. Inuulol lng kayo para matalo."

"Sen my two Balls are ready na."

"Sir, wag po ganito. Nakilala kayo sa maayos na imahe. Oo kailangan natin makuha ung boto ng masa, pero don't stoop down on this level po. Ang pangit. Natalo na tayo ng 2 beses, tapos ganito pa rin. Baguhin po natin."

"May bayag na senador kaya iboto na!"

"Senator@bamaquino that acronym has a sexual meaning in Tagalog. May I suggest changing Group to Network so that it becomes BAYAN? Or does the acronym actually intends to send a subliminal message like being able to stand up against enemies of democracy?"

"Sir Bam. Willing akong maging part ng Bayag nyo!"

"@bamaquino hi sir! Hindi po ako magaling sa ingles at sa grammar pero mas maganda po sana kung GABAY (Group Action Bam Aquino Youth) na lang. Sabi nga ni Moira Kelly sa pelikulang Cutting Edge, 'If you wanna win, you play it straight.'"

"GOOD BAYAG"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Aquino patungkol dito.