September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Richard Cruz, Jojo Nones itinatanggi pa rin bintang ni Sandro Muhlach

Richard Cruz, Jojo Nones itinatanggi pa rin bintang ni Sandro Muhlach
Photo Courtesy: Screenshot from Sen. Robin Padilla (FB), Sandro Muhlach (IG)

Patuloy umanong pinabubulaanan ng dalawang independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones ang paratang na sexual harassment ni Kapuso Spakrle artist Sandro Muhlach.

Sa ulat ng GMA Intgrated News na inilathala nitong Biyernes, Setyembre 13, itinanggi ng abogado nina Richard at Jojo na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang bintang ni Sandro sa kaniyang dalawang kliyente.

“Pinapabuluhanan po namin 'yong alegasyon ng rape through sexual assault na ibinibintang sa kliyente po namin kay Richard Cruz at saka kay Jojo Nones," saad ng abogado.

Nagkaharap na kasing muli ang magkabilang panig nang dumalo sila sa Department of Justice para harapin ang kasong isinampa ni Sandro sa dalawang independent contractors.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Tila bakas pa rin sa Kapuso Sparkle artist ang iniwang trauma ng nangyari umano sa kaniya nang makita niya sina Richard at Jojo. 

Kaya naman para maiwasan ang tensyon ay inilipat sa ibang ang dalawang independent contractors upang basahin ang kanilang counter affidavit.

Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang itanggi nina Richard at Jojo ang nasabing akusasyon nang humarap sila sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media noong Agosto 12.

MAKI-BALITA: Mga inireklamo ni Sandro: 'Bakla kami pero hindi kami abuser!'