January 15, 2025

Home BALITA National

Pagganda ng buhay ng mga magsasaka, birthday wish ni PBBM sa sarili

Pagganda ng buhay ng mga magsasaka, birthday wish ni PBBM sa sarili
(Photo: Pangulong Bongbong Marcos/FB; MB file photo)

Tulad sa kaniyang kaarawan noong nakaraang taon, muling sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagbuti ng sektor ng agrikultura at pagganda ng buhay ng mga magsasaka ang kaniyang hiling para sa kaniyang ika-67 kaarawan ngayong Biyernes, Setyembre 13.

Ibinahagi ito ni Marcos sa panayam ng mga mamamahayag matapos ang kanilang paglulunsad ng “Agri Puhunan at Pantawid” program sa Guimba, Nueva Ecija nitong Biyernes ng umaga.

"Ang aking birthday wish, maparami ito (programa), na talagang lahat ng bawat magsasaka sa Pilipinas maramdaman itong programang ito at lahat ng programa na ginagawa natin sa Department of Agriculture," ani Marcos.

"Lahat ng ginagawa natin sa...pagtulong ng DBP (Development Bank of the Philippines), lahat ng mga financing institution, lahat po iyong buong sistema ng agrikultura, ay, ang birthday wish ko, mabuo na natin para maganda ang takbo ng sektor ng agrikultura para gumanda ang buhay ng bawat magsasaka, ng kanilang pamilya at ng bawat Pilipino," saad pa niya.

National

Ilang nababahala sa CSE, pakikinggan ng DepEd

Matatandaang sinabi rin ni Marcos sa kaarawan niya noong nakaraang taon na hiling daw niya ang pag-ayos ng agrikultura ng bansa.

MAKI-BALITA: PBBM, ibinahagi ang kaniyang birthday wish