September 18, 2024

Home BALITA Metro

'Nagpaalam pero hindi pinayagan' 13-anyos na binatilyo sa Taytay Rizal, nawawala!

'Nagpaalam pero hindi pinayagan' 13-anyos na binatilyo sa Taytay Rizal, nawawala!
Mark Anthony Villanueva/FB

Nawawala ang 13 taong gulang na binatilyo sa Taytay, Rizal na huling nakasama ng ama noong Setyembre 8, 2024. 

Sa isang Facebook post ni Mark Anthony Villanueva, nawawala ang kaniyang 13-anyos na anak na si Ramjie Villanueva. Aniya, nagpaalam daw ang anak niya na may sasamahan ito sa Montalban sa Rizal para magtrabaho pero hindi niya raw ito pinayagan.

Gayunman, umalis si Ramjie nang walang paalam.

Sa eksklusibong panayam ni Mark Anthony sa Balita nitong Biyernes, Setyembre 13, sila raw ay taga Lupang Arenda, Taytay, Rizal. Huli raw niya nakasama ang anak noon pang Setyembre 8.

Metro

Negosyante, pinagbabaril sa loob ng sasakyan, patay!

Kwento niya, hindi niya alam kung sino 'yung sasamahan ni Ramjie sa Montalban. Itinanong daw niya ito sa mga kaibigan pero hindi rin daw alam. 

"Hindi ko nga po alam kung sino. Tinanong ko po mga kaibigan [niya] 'di rin alam. Wala po kasi ako sa bahay ng umalis 'yung anak ko. Hindi rin pinayagan na umalis," aniya. 

"Kahit po sana makontak ko lang 'yung nagsama sa kaniya," dagdag pa niya. 

Dinulog na rin daw niya ito sa baranggay. 

Samantala, kung impormasyon hinggil kay Ramjie. Ipagbigay alam lamang kay Mark Anthony. Ito ang kaniyang number: 09761264306