February 02, 2025

Home SPORTS

'Nadali sa pangatlong suntok!' YouTuber ‘taob’ sa kamao ni Manny Pacquiao

'Nadali sa pangatlong suntok!' YouTuber ‘taob’ sa kamao ni Manny Pacquiao
Photo courtesy: IShowSpeed/ YouTube

Tila nagkamali nang hinamon ang YouTuber na si Darren Jason Watkins Jr. aka IShowSpeed matapos niyang bisitahin si 8 Division World Champion Manny Pacquiao sa kanilang tahanan base sa kaniyang latest video nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 12, 2024.

Sa kaniyang content makikita ang tila bonding moments ni Darren kasama ang idolo, ngunit, hindi pa siya nasiyahan at hinamon niya ang bigat ng kamao ni Manny.

Makikita sa video na tila naging mabait pa ang pambansang kamao nang gamitin niya ang kaniyang kanang kamay, taliwas sa pagiging kaliwete niya.

Tila hindi nasiyahan sa dalawang magkasunod na suntok sa braso si Darren at humingi pa siya ng ikatlong banat mula kay Pacquiao.“Come on!” hamon niya kay Manny.

MPBL cager Ken Segura, patay matapos tambangan at pagbabarilin

Bahagyang humugot ng puwersa si Pacquiao at pinakawalan ang huling suntok na tila hindi kinaya ni Darren. Agad siyang natumba habang hawak-hawak ang brasong nakatikim ng kamao ni Pacquiao.

Umabot na sa 270k views ang naturang content ni IShowSpeed sa nakalipas na 12 oras. 

Kate Garcia