September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

GMA, nagpa-seminar tungkol sa sexual harassment; Sandro Muhlach, sumulpot daw?

GMA, nagpa-seminar tungkol sa sexual harassment; Sandro Muhlach, sumulpot daw?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Nagsagawa umano ang GMA legal department ng isang seminar tungkol sa sexual harassment para sa mga Kapuso Sparkle artist.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Setyembre 12, itsinika ni showbiz insider Ogie Diaz na dumalo raw si Kapuso Sparkle artist Sandro Muhlach sa nasabing seminar.

“Nabalitaan natin nagkaroon yata ng seminar itong legal department ng GMA 7 sa maraming bata, ‘yong maraming talent sa Sparkle…sila ay nagkaroon ng seminar tungkol sa sexual harassment kung sakaling ‘yong nangyari kay Sandro ay mangyari din sa kanila, anong dapat nilang gawin?” saad ni Ogie.

“At nakakaloka nito, dumating si Sandro Muhlach [sa seminar]. Kasi nag-question and answer portion, e. Nahiya nang magtanong ‘yong iba tungkol sa sexual harassment kasi nga nando’n na si Sandro. Parang na-awkward silang magtanong about it,” wika pa niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Samantala, pinuri naman ni Ogie ang inisyatibong ito ng GMA para sa mga baguhang artista.

“Okay ‘yang ginawa ng GMA. Actually, dapat lahat ng network dapat ay isinasagawa ‘yong ganyang briefing o seminar tungkol sa ‘what if ma-encounter mo ‘yong ganitong sitwasyon; ‘yong sexual harassment?” aniya.

Matatandaang nagsimula ang tungkol sa isyung ito nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” umano ng dalawang TV executives.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?