September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dominic sa mga umiintriga sa pictures nila ni Kathryn: 'Mga toxic sa socmed!'

Dominic sa mga umiintriga sa pictures nila ni Kathryn: 'Mga toxic sa socmed!'
Photo Courtesy: Dominic Roque (IG)

Nagbigay ng tugon ang aktor na si Dominic Roque sa komento ng isang netizen sa isa latest Instagram post niya kamakailan.

Sa nasabing Instagram post, makikita ang serye ng mga larawan kabilang na ang selfie nila ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.

“Snaps from mah phone... #Hulyo,” saad ni Dominic sa caption.

Komento naman ng isang netizen: Gone are the days when Dom could freely and randomly post ng solo pictures ni Kath sa feed nya without these crazy people thinking any other things about it. ”

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Di nyo ba alam na miss na namin mga pa pictorial ni dom kay kath tapos pino-post nya any time. Sya ang number one source namin ng pics ni kath na outside work kahit noon pa,” dagdag pa nito.

Tugon naman ni Dominic:  “Kasi iniisipan nila ng kung ano ano.. mga delulu. Mga toxic sa soc med.”

Matatandaang iniisyu noong Hunyo na nanliligaw umano si Dominic kay Kathryn matapos silang maispatang magkasamang nagji-gym.

Pero tinuldukan agad ni Dominic sa isang panayam ang isyu tungkol sa kanila ni Kathryn para linawing magkaibigan lang silang dalawa.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, naniningalang-pugad kay Kathryn Bernardo?