January 22, 2025

Home BALITA Metro

Ayuda ng seniors sa Maynila, pangangasiwaan ulit ng mga barangay

Ayuda ng seniors sa Maynila, pangangasiwaan ulit ng mga barangay

Ang mga barangay na muli ang mangangasiwa sa pagkakaloob ng Manila City Government ng monthly monetary allowance sa mga senior citizen sa Maynila.

Nauna rito, nakatanggap si Manila Mayor Honey Lacuna ng mga reklamo mula sa mga senior citizen na hindi naman umano nila makuha ang ayuda ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Maya.

Dahil dito, nagpasya si Lacuna na ibalik na lang muli sa barangay ang pamamahala ng distribusyon ng kanilang monthly allowance para mas madali at mas mabilis nila itong matanggap.

Sa kanyang 'Kalinga sa Maynila' forum sa Tondo, binigyang pansin ni Lacuna ang mga reklamo ng mga seniors sa Office of Senior Citizens' Affairs (OSCA) head Elinor Jacinto na marami sa mga senior citizens ay hindi nagagamit ang kanilang  PayMaya, at sinabing hindi sila makapag-withdraw o bigong mag- withdraw.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Dahil marami na ring senior citizen ang makakalimutin na, kadalasan ay nakalimutan nila ang kanilang pin number habang  ang iba naman at nakalimutan kung saan nila nailagay ang card.

"Sinasabi ninyo hindi kayo makapag-withdraw sa PayMaya.  Sinasabi nyo mas gusto ninyo, mano-mano kaya naman 'yun ang ginawa natin," anang alkalde.

"Diretso na sa barangay ninyo ang allowance para diretso ho sa inyo.  Kasi, napakaraming nagpupunta sa opisina ko at nagrereklamo," aniya pa.

Dagdag pa niya, ang monthly allowances ay mananatili sa barangays sa loob ng isang linggo upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga senior citizens na makuha ang kanilang benepisyo.