September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica
Photo Courtesy: Ai Ai Delas Alas, Carlos Yulo, Angelica Yulo (FB)

Nakatanggap daw si Kapuso comedy queen Ai Ai Delas Alas ng batikos matapos makisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos at Angelica Yulo.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Setyembre 13, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang ilan sa mga umano’y nabasa niyang komento patungkol kay Ai Ai.

“Ang dami kong nababasa: ‘Naku, hindi ka na kasi pinag-uusapan! Wala ka nang project kaya ayan, o. Nakikisawsaw ka,’” lahad ni Cristy.

Pero pagtatanggol niya: “Diyos ko, kailangan po bang makisawsaw ni Ai Ai Delas Alas para lang siya mapag-usapan? Sobra-sobra po ang kaniyang ‘sawsawan’. Bote-bote. Kayo ang nakikisawsaw.”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Likas daw kasi sa comedy queen ang pagiging maka-ina kaya gayon na lamang ang pagpanig nito sa ina ni Carlos.

“Maka-ina talaga siya. Team nanay talaga siya. At naiintindihan po natin ‘yon. At kahit kailan, ‘pag naging team nanay tayo, hindi tayo gumagawa ng krimen,” saad ng showbiz columnist.

Matatandaang kamakailan ay ipinakita ni Ai Ai ang suporta kay Angelica matapos niyang sabihing aabangan umano niya ang live selling nito para bumili.

MAKI-BALITA: Suporta sa Tanging Ina ni Caloy: Ai Ai, bibili sa live selling ni Angelica