September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?
Photo courtesy: Jackie Forster (IG)

Usap-usapan ang mga naging komento ng nanay ni Kobe Paras na si Jackie Forster sa post ng pagrampa ng anak sa runway ng New York Fashion Week

Nagpaabot ng pagbati ang ina para sa anak, at tumugon din sa heart comment ng aktres na si Kyline Alcantara, na nali-link ngayon kay Kobe. 

"Sky is the limit for you two," komento naman ni Jackie kay Kyline.

"I LOVE YOU SO MUCH MAMA," tugon naman dito ni Kobe. 

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Matatandaang naging usap-usapan ang sightings ng dalawa sa mga pampublikong lugar, na nagbigay ng espekulasyon sa mga netizen na may namamagitan na kina Kobe at Kyline. 

Sa panayam ng PEP kay Kobe sa idinaos na GMA Gala 2024, nilinaw ni Kobe na special great friends sila ni Kyline. 

Kamakailan lamang, sinabi ni Kyline na "what you see is what you get" sa kung anuman ang ugnayan na mayroon siya kay Kobe. 

Pinag-usapan kasi ng mga netizen ang "pagkandong" ni Kyline kay Kobe habang bumibirit ito sa videoke. 

MAKI-BALITA: May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?

MAKI-BALITA: 'Vindicated raw si Carmina?' Netizens sa kandungan nina Kyline at Kobe, 'Mother knows best!''

MAKI-BALITA: What you see, what you get!' Kyline, walang dapat i-explain tungkol sa kanila ni Kobe