September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'
Photo courtesy: Valentine Rosales (FB)/Chloe Anjeleigh San Jose (FB)

Pinayuhan ng social media personality na si Valentine Rosales si Chloe San Jose na dapat ay matuto siyang gumalang sa mas nakatatanda sa kaniya.

Ito ay matapos maging kontrobersyal ni Chloe dahil sa "pagpatol" at "pagpaparinig" niya sa mga magulang ng partner na si Carlos Yulo, lalo na sa nanay na si Angelica Yulo.

Mababasa sa kumakalat na umano'y screenshot ng komento ni Valentine para kay Chloe, "

“Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo, di mo na dapat pinapatulan ‘yung ganyan. Kasi pag pinatulan mo para mas mababa ka pa kesa sa kanya. Dapat very Demure, Very Mindful, Very Sophisticated ka,” sabi ni Valentine.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Di ka ba nasabihan ng parents mo? I am happy with you being together with Caloy pero learn to respect your elders. How you treat your partner's parents reflects how you treat your parents as well."

Payo pa ni Valentine, huwag na lamang daw pansinin kung may mabasa siyang "pagpaparinig" mula sa kampo ng pamilya ni Caloy. 

"Best thing to do is deadma block talagang wag pansinin and instead of creating a gap try to resolve and fix."

"Kung feeling mo talaga very toxic, stay silent and calm instead mag rebut ka. Remember no response is the best response."

Ibinahagi pa ni Valentine ang ulat patungkol dito at may huling habol na mensahe pa kay Chloe. 

"Love you Chloe Anjeleigh San Jose that is not worth your stress," aniya. 

TINGNAN: Love you Chloe Anjeleigh San Jose that is... - Valentine Rosales | Facebook

Samantala, sa eksklusibong panayam ng Balita ay ipinaliwanag ng abogado ng biological mother ni Chloe San Jose ang ilan sa mga isyung kinasangkutan niya, matapos din siyang makaladkad sa girian nf boyfriend nitong si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at sarili nitong pamilya, isama pa ang kaniyang anak na si Chloe na matagal na niyang hindi nakakasama. 

MAKI-BALITA: Biological mom ni Chloe San Jose nagsalita na; relasyon sa anak, 'di rin maganda?