Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Misamis Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Setyembre 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic dakong 4:11 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 6 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Bonifacio, Misamis Occidental, na may lalim na 5 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - Tubod, LANAO DEL NORTE
Intensity II - Kapatagan, LANAO DEL NORTE
Intensity I - Dumingag, ZAMBOANGA DEL SUR; Sindangan, ZAMBOANGA DEL NORTE
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.