December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Kris Aquino, magbabalik 'Pinas; kailangan ng emotional encouragement mula sa mga kapatid

Kris Aquino, magbabalik 'Pinas; kailangan ng emotional encouragement mula sa mga kapatid
photos courtesy: Kris Aquino/IG

Matapos ang dalawang taon, uuwi na sa Pilipinas ang aktres na si Kris Aquino dahil bukod sa kailangan niyang sumailalim sa pangalawang immunosuppressant infusions, kailangan din daw niya ng encouragement at unwavering faith mula sa kaniyang mga kapatid at pamilya.

Sa isang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 12, ibinahagi ni Kris ang update sa kaniyang kondisyon. Aniya, mayroon siyang anim na confirmed autoimmune conditions: autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria, Churg Strauss, systemic sclerosis, lupus, and rheumatoid arthritis.

"I choose to be 100% honest. i arrived in the [US] with 3 diagnosed autoimmune conditions, a 4th was confirmed in late June of 2022 (1. Autoimmune Thyroiditis 2. Chronic Spontaneous Urticaria 3. Churg Strauss/EGPA- a rare, complicated form of vasculitis 4. Systemic Sclerosis and this 2024 i was diagnosed with 5. SLE/Lupus and 6. Rheumatoid Arthritis.) We are still waiting for the results of 2 more autoimmune conditions," saad ng aktres.

Bukod dito, ibinahagi niya ang rason kung bakit niya napagdesisyunang umuwi sa Pilipinas. 

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

"The reason i decided to go home is because i need to start my second immunosuppressant infusions in 2-3 weeks (it’s a gentler term for chemotherapy). Emotionally i need the encouragement and unwavering faith my sisters & cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide… sadly what was the BATTLE TO IMPROVE MY HEALTH is now THE STRUGGLE TO PROTECT MY VITAL ORGANS. This is now the FIGHT OF MY LIFE," kwento ni Kris. 

Dagdag pa niya, "Bawal sumuko. Tuloy po ang #Laban."

Nagpasalamat naman si Kris sa mga nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kaniya.

Samantala, wala namang nabanggit si Kris kung kailan siya makakauwi, pero sa umano'y official fan page niya sa X, makikitang nasa loob na siya ng eroplano