September 18, 2024

Home BALITA National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo
PHOTOS COURTESY: PCSO/WEBSITE

Dalawang lotto winner mula sa Laguna ang kumubra ng napanalunan nilang milyon-milyong Lotto 6/42 jackpot prize na binola noong Agosto 15 at Agosto 22, 2024. 

PHOTOS COURTESY: PCSO/WEBSITE

Ayon sa PCSO, ang unang winner ay isang retired civil servant na halos isang dekada nang tumataya sa lotto. Kinubra ng lalaki ang ₱19,630,380.00 mula sa Lotto 6/42. Ang winning combination na 21-11-30-16-19-03 ay ang birth dates ng kaniyang kapamilya.

Nabili ng lone bettor, na nanalo noong Agosto 15, ang kaniyang ticket sa San Pablo, Laguna. 

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Samantala, kinubra na rin ng second winner na isang babaeng private sector employee ang napanalunan niyang ₱9,045,796.60 sa Lotto 6/42 na binola noong Agosto 22. 

PHOTOS COURTESY: PCSO/WEBSITE

Katulad ng first winner, ang winning combination din niya ay galing sa birth dates ng kaniyang kapamilya na 06-24-25-28-02-16.

Nabili naman ng second winner ang kaniyang winning ticket sa Calamba, Laguna. 

Ang Lotto 6/42 ay binobola kada Martes, Huwebes, at Sabado.