October 04, 2024

Home BALITA National

VP Sara Duterte, handang magtrabaho kahit walang budget ang OVP

VP Sara Duterte, handang magtrabaho kahit walang budget ang OVP
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN, OVP (FB)

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na patuloy umanong magtatrabaho ang Office of the President (OVP) kahit wala silang budget.

Sa ikatlong bahagi ng videotaped interview na inilabas nitong Miyerkules, Setyembre 11, sinabi ni Duterte na aware umano siya sa tangkang “defunding” sa kaniyang opisina.

“Narinig din namin na mayroong defunding. I-defund daw ang Office of the Vice President Budget. Narinig din namin na posibleng piso lang ang ibigay na budget,” saad ni Duterte.

Gayunman, sa kabila nito, sinabi ng bise-presidente na handa pa rin umano silang magtrabaho.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Handa kami, handa ako sa Office of the Vice President na magtrabaho kahit walang budget. Maliit lang ‘yong opisina namin. Maliit lang ‘yong operations namin kaya kayang-kayang namin na magtrabaho kahit walang budget,” aniya.

Dagdag pa niya: “Alam naman namin na kaparte ‘yan ng pag-atake. Kaya kami, tutuloy-tuloy lang din kami sa kailangan naming gawin para sa bayan.”

Matatandaang sa ikalawang bahagi ng videotaped interview ay isiniwalat ni Duterte ang isa sa mga rason kung bakit siya nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education.

MAKI-BALITA: VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya