September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Vice Ganda sa Kalokalike ni Dao Ming Si: 'Ang lakas mang-trip ni Diwata!'

Vice Ganda sa Kalokalike ni Dao Ming Si: 'Ang lakas mang-trip ni Diwata!'
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN It's Showtime (YT)

Tila naloka si Unkabogable Star Vice Ganda sa Kalokalike contestant na ginaya umano si Meteor Garden character Dao Ming Si na si Ryan Perez.

Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Miyerkules, Setyembre 11, nagbitiw ng biro si Vice Ganda nang ipakilala na ang Dao Ming Si wannabe sa studio audience.

“Ang lakas mang-trip ni Diwata,” sey ng Unkabogable Star.

“‘Di siya ‘yan,” sabi naman ng co-host niyang si Vhong Navarro. “Si Dao Ming Si ‘yan.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero naloka silang lalo nang kinanta pa ng Kalokalike contestant ang original soundtrack ng patok na TV host pagkatapos nitong ipamalas ang talento sa pag-arte.

Hirit tuloy ni Vice Ganda: “Alam mo sa mga ganitong pagkakataon, hindi na MTRCB ang magpapatawag sa atin. PDEA na.”

Nagpayo naman si Vhong na kung sakaling hindi siya palaring grand winner ay bumalik pa rin siya bilang Kalokalike naman ni Diwata.

Matatandaang si Diwata ay isang social media personality at paresan-owner na lubhang sumikat at dinumog ng mga tao dahil sa produktong inilalako nito.

MAKI-BALITA: Diwata halos araw-araw kino-content, 'ginagatasan'