September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Sofia Andres, may pinapa-hunting na lalaki: 'Kupal ka ba?'

Sofia Andres, may pinapa-hunting na lalaki: 'Kupal ka ba?'
Photo Courtesy: Sofia Andres (FB)

Ipinapahanap ng aktres na si Sofia Andres ang vlogger at content creator na si Joel Ravanera o kilala bilang “Malupiton.”

Sa Facebook post ni Sofia kamakailan, ibinahagi niya ang larawan ni Malupiton saka sinabi ang dahilan kung bakit niya ito gustong makita.

“Mga bossing! Help me find this guy at magpapicture lang ako. Mahaba daw pila “ saad ni Sofia.

“Send help Joshua Garcia,” sabi pa niya sa kapuwa artista. Nagkita na kasi sina Joshua at Malupiton.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Nagkomento naman si Malupiton sa nasabing post ni Sofia: “Mam baket po?”

“Joel Ravanera I love you!!!!! Pwede pa picture sayo? Kaso may pila daw. Kupal ka ba? ” tugon naman ng aktres.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang thread na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Joel Ravanera ito ba yung bebot mo man!"

"Joel Ravanera bossss BOSSSINNGGG "

"Joel Ravanera bossing kumusta buhay2"

"Ayan na si bossing"

"Joel Ravanera Kinakabahan ako sa mga tanungan mo bossing parang may namumuong galit sa puso "

“Joel Ravanera nasa IG story kapa nga ”

Sa kasalukuyan, bagama’t hindi pa nagkikita nang personal, nakapag-usap naman sina Sofia at Malupiton sa pamamagitan ng video call.

Nakilala si Malupiton dahil sa mga nakakatuwa niyang content tulad ng ginagawa niyang gibberish rap at skit ng pambubudol sa suki niyang customer.