October 05, 2024

Home SPORTS

PAREX bilang sponsor ng UP WBT, hindi aprub sa ilang fans

PAREX bilang sponsor ng UP WBT, hindi aprub sa ilang fans
Photo courtesy: UP Women's Basketball Team (IG)

Hindi pa nga nag-iinit ang liga, tila nakuha na ng koponan ng University of the Philippines (UP) ang inis ng ilang fans matapos ilabas ng One Sports ang photoshoot ng bawat koponan sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) noong Setyembre 6, 2024.

Hindi nakaligtas sa mata ng ilan ang sponsor ng UP women’s basketball team kung saan nakalagay dito ang kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX) project na agad napansin ng ilang netizens.

Matatandaang nananatiling mainit na usapin ang nasabing proyekto dahil sa umano’y banta nito sa kalikasan, partikular na sa Ilog Pasig at sa Arroceros Forest Park sa Maynila.

Taong 2021 nang isagawa ang groundbreaking para sa pagtatayo ng PAREX na naglalayong maibsan ang traffic sa Maynila kung saan ang nasabing expressway ay babaybayin ang kahabaan ng ilog Pasig hanggang Taguig. Marami sa grupo ng history at environment advocates ang umalma dahil umano sa banta nito sa pagkasira ng makasaysayang Ilog Pasig, epekto nito sa Intramuros at ang huling natitirang gubat sa Maynila, na Arroceros Forest Park.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“This issue must be addressed to its core, sports being commercialized and our teams not having the appropriate budget allocation, hence the need to acquire sponsors.”

“Kung may sapat na funding ang athletes di na need mag-rely sa corporations!!”

“Is this a subtle way of supporting that project? #NOtoPAREX”

“Uy bakit may logo ito ng PAREX sa jersey ng mga UP Fighting Maroons Women's Basketball team?”

“Nilamon na ng pera”

“K*pal lang nagsusupport diyan”

Bunsod nito, ilang netizens tuloy ang hindi naiwasang punahin ang pamunuan ng UP hinggil sa tindig nito sa naturang isyu dahil sa pakikipag-ugnayan nito sa sponsorship ng sports program ng unibersidad.

Sa ngayon, wala pang pahayag na inilalabas ang UP tungkol sa naturang isyu.

Kate Garcia