September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Pamilya Sagrado may pa-shades? 'Laban ito ng kadiliman at... kabutihan!'

Pamilya Sagrado may pa-shades? 'Laban ito ng kadiliman at... kabutihan!'
Photo courtesy: ABS-CBN (FB)

Usap-usapan ang tila "shades" na promotional poster ng ABS-CBN para sa seryeng "Pamilya Sagrado" na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Kyle Echarri, at iba pa, na napapanood sa Primetime Bida mula Lunes hanggang Biyernes.

Mapapanood na raw ang "fast cuts" ng serye sa iWantTFC at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

"Laban ito ng KADILIMAN at… KABUTIHAN! "

"Binge-watch #PamilyaSagrado episodes FASTER with #PamilyaSagradoFastCuts on the iWantTFC YouTube channel!" mababasa pa rito.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Photo courtesy: ABS-CBN (FB)

Naalala tuloy ng mga netizen ang kontrobersiyal na video patungkol kay Atty. Harry Roque patungkol sa "puwersa ng kadiliman versus puwersa ng kasamaan" habang kausap niya ang mga tagasuportang nagtipon-tipon sa EDSA, matapos niyang makalaya mula sa 24 oras na pagkaka-contempt sa Kamara.

MAKI-BALITA: Parinig kay Harry Roque? Vice Ganda nagbiro tungkol sa 'kadiliman vs. kasamaan'

MAKI-BALITA: Ka Leody, nag-react sa 'kadiliman laban sa kasamaan' ni Roque

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ang nasa isip ko laban ng kadiliman at kasamaan."

"The shades hahahaha..."

"Nasaan ang Team Kasamaan?"

"wala iyan, mas maganda panoorin team kadiliman vs. team kasamaan!"

"Mas mabenta pa rin kung KADILIMAN LABAN SA KASAMAAN YAN, gawin nyong Tv Series yan, sigurado ang taas ng rating nyan..."