September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Paano na LizQuen fans?' Liza Soberano, jowa ang CEO ng 'Careless' na si Jeffrey Oh?

'Paano na LizQuen fans?' Liza Soberano, jowa ang CEO ng 'Careless' na si Jeffrey Oh?
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Isang bagong kuwento naman ang lumutang pagkatapos kumalat ang bali-balitang umalis na umano ang aktres na si Liza Soberano sa pamamahala ng manager niyang si James Reid.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Martes, Setyembre 11, inispluk ng co-host ni showbiz insider Ogie Diaz na si Tita Jegs ang nasagap niyang tsika tungkol umano kay Liza.

“May nabalitaan din ako. Na maiintindihan mo raw si Liza kung bakit siya kumampi kay Jeffrey Oh. Kasi nga ang balita mag-jowa raw sila,” saad ni Tita Jegs.

Matagal bago nakasagot si Ogie sa sinabi ni Tita Jegs sa hinggil sa dati niyang alaga. Pero ayon sa kaniya, nabalitaan din niya raw ang tungkol dito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Alam mo, ‘di ko alam,” sabi ni Ogie. “Kasi ‘yan din naman ang balita ko. E, kasi wala namang problema kung pareho naman silang single, ‘di ba.” 

“E, paano na ‘yong mga LizQuen fans?” sundot naman ni Mama Loi.

“Aba’y hindi sila dapat mawalan ng pag-asa na pwedeng mabago ‘yong takbo ng isip ni Liza at bumalik siya dito at maging magkapareha ulit sila ni Enrique [Gil],” wika ni Ogie.

Dagdag pa niya: “Dahil feeling ko, naghihintay lang din naman si Enrique kay Liza. Dahil grabe, ang lalim ng pagmamahal ni Enrique kay Liza. Kaya nga lang, e, syempre ‘yong balita rin natin na wala na rin sila.”

Matatandaang ang “Careless” ay parehong pinamamahalaan nina James at Jeffrey. Pero ayon kay Ogie, hindi na raw magka-partner ang dalawa. At sa kasalukuyan, nakapanig umano si Liza kay Jeffrey, na iniisyung magkarelasyon.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang mga sangkot na indibidwal sa nasabing isyu.

MAKI-BALITA: Liza Soberano, lumayas na raw sa management ni James Reid?