September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Nakakaloka!' Gabbi, nag-react matapos idawit ng Kalokalike contestant

'Nakakaloka!' Gabbi, nag-react matapos idawit ng Kalokalike contestant
Photo Courtesy: Gabbi Garcia (IG), Screenshots from GMA Network (YT)

Nagbigay ng reaksiyon si Kapuso actress Gabbi Garcia matapos banggitin ang pangalan niya sa “It’s Showtime” ng isang Kalokalike contestant na kamukha ng ex-jowa niyang si Ruru Madrid.

Sa ulat ni Aubrey Carampel sa “24 Oras” nitong Martes, Setyembre 10, sinabi ni Gabbi na naloka raw siya sa sagot ni Kevin Dangcalan a.k.a. “Black Rider” wannabe. 

"Nakakaloka lang si Kalokalike," saad ni Gabbi. "Alam mo, feeling ko si Gabby Concepcion talaga 'to. Parang hindi ako 'to.”

“Pero well, kidding aside, I'm happy for both Bianca and Ruru naman talaga, and it's nice to see them happy din together," aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Nausisa kasi sa nasabing noontime show ang Kalokalike contestant kung sino raw ang artistang pinag-aawayan nina Bianca at Ruru. 

“Gabbi,” tahasang sagot ni Kevin. 

Hoy!” windang namang sabi ni Bianca na napabalikwas pa sa kinauupuan. Nagtawanan tuloy ang mga “It’s Showtime” host.

MAKI-BALITA: Gabbi, pinag-aawayan nina Ruru at Bianca?

Matatandaang bago pa man dumating si Bianca sa buhay ni Ruru ay naging karelasyon muna nito si Gabbi noong sila ay 16 at 15 anyos pa lamang.