October 11, 2024

Home BALITA Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Dinaluhan ng tinatayang 600,000 deboto ang misa ni Pope Francis sa Dili, East Timor noong Setyembre 10, 2024. 

Ayon sa Vatican at ilang organizers, 300,000 ang kabuuang nakapag-register upang makapasok sa venue, ngunit dumagsa raw ang ilang daang libo pang deboto sa labas nito. Ito na raw ang halos kalahati ng buong bilang ng populasyon ng East Timor, na isa rin sa kinikilala bilang isa sa mga sagradong katolikong bansa sa Timog Silangang Asya. 

Ito na ang pinakamalawak na misa ng Santo Papa matapos ang pagbisita niya sa Portugal noong 2023 para sa World Youth Day na dinaluhan din ng delegado ng iba’t ibang bansa. Bahagi ang East Timor sa mga bansang binisita ng Santo Papa sa Asia-Pacific region kung saan nauna na niyang bisitahin ang Indonesia at Papua New Guinea. Nakatakdang magtapos ang kaniyang ekspedisyon sa Singapore bago tuluyang bumalik sa Vatican sa Setyembre 13, 2024.

Samantala, nananatili pa ring Pilipinas ang may pinakamaraming Kristiyanong dumalo sa misa ni Pope Francis noong 2015 sa Rizal Park (Luneta) sa Maynila kung saan tinatayang umabot ng 6 na milyong deboto ang nakidalo rito. 
—Kate Garcia

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa