September 20, 2024

Home SHOWBIZ

'Dao Ming Si' ng Las Piñas City, may mensahe sa mga nalito

'Dao Ming Si'  ng Las Piñas City,  may mensahe sa mga nalito
Photo courtesy: It's Showtime (FB)

Nagpasalamat sa madlang people ang "Kalokalike" contestant na si Bryan Perez, ang "Dao Ming Si" ng Las Piñas City matapos siyang mag-trending sa X dahil sa panggagaya niya sa karakter ni Jerry Yan, mula sa hit Taiwanese series na "Meteor Garden."

Tawang-tawa ang mga netizen nang bumungad si Dao Ming Si, na biro kaagad ni Vice Ganda, ay mas kamukha raw ng social media personality na si Diwata.

MAKI-BALITA: Vice Ganda sa Kalokalike ni Dao Ming Si: 'Ang lakas mang-trip ni Diwata!'

Pero sa mga hindi nakakaalam, si Dao Ming Si ng Las Piñas City ay isang content creator o kilala sa tawag na "Tungaw TV."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikita sa kaniyang contents ang paggaya niya sa iba't ibang personalidad para maghatid ng saya at good vibes, kabilang na nga si Dao Ming Si.

Nagpasalamat naman siya sa mga naaliw sa kaniyang pagsali sa Showtime.

"Pasensya na po sa mga nalito hahahaha nasobrahan lang sa untog ," aniya sa komento niya sa post ng ABS-CBN Facebook page.

"Salamat Showtime sa masayang experience!!" dagdag pa niya.

Samantala, ang winner naman sa episode na iyon ay ang gumaya sa international singer na si Ariana Grande.

Pero kahit hindi siya ang daily winner, winner naman siya sa puso ng madlang people dahil tila nagkaroon ng nostalgia ang mga tao sa minala na Asian series noong 2003.