September 18, 2024

Home BALITA National

Zaldy Co, pumalag sa bintang ni VP Sara: 'Pambubudol na naman po 'yan!'

Zaldy Co, pumalag sa bintang ni VP Sara: 'Pambubudol na naman po 'yan!'
Photo Courtesy: Screenshots from PTV (X), ABS-CBN News (YT)

Nagbigay na ng pahayag si Appropriations Chair Zaldy Co kaugnay sa paratang umano ni Vice President Sara Duterte na ang budget umano ng Pilipinas ay hawak lang umano nila ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa panayam ng mga media personnel nitong Martes, Setyembre 10, pinabulaan ni Co ang nasabing akusasyon ng bise-presidente.

“Unang-una, again, pambubudol na naman po ‘yan. Napakalaking pambubudol. Akala nila ang taumbayan hindi matalino, matalino po,” saad ni Co.

“Ang miyembro po ng appropriations is around 139. Ang vice-chair po ay around 56. Ang congressman po is 300. Mayroon po tayong mga senador na 24. Mayroon pong bicameral conference committee after the budget deliberation ng house and senate,” wika niya.

National

Gener, patuloy na kumikilos pakanluran sa WPS; 4 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Dagdag pa ng kongresista: “Mayroon pa pong bicam na mag-uusap. Ang upper chamber and lower chamber. Almost 30 po ang nag-aattend niyan. So, hindi po totoo ‘yan.”

Matatandaang sinabi ni Duterte sa isang videotaped interview na kaya raw siya nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education [DepEd] ay dahil kinuha umano ng dalawa ang budget na nakalaan para sa ahensya.

MAKI-BALITA: VP Sara, nag-resign sa DepEd dahil kinuha raw nina Romualdez at Co ang budget ng ahensya